Jeremiah 5:1 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Tumakbo kayong paroo't parito sa mga lansangan ng Jerusalem, tingnan ninyo, at pansinin! Halughugin ninyo ang kanyang mga liwasan kung kayo'y mayroong taong matatagpuan, na gumagawa ng katarungan at naghahanap ng katotohanan; upang patawarin ko siya.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Sinabi ng Panginoon, “Mga taga-Jerusalem, pumunta kayo sa mga lansangan nʼyo! Tingnan nʼyo ang mga plasa ninyo! Kung may makikita kayong matuwid at tapat, patatawarin ko ang lungsod ninyo.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Magsitakbo kayong paroot parito sa mga lansangan ng Jerusalem, at tingnan ngayon, at alamin, at hanapin sa mga luwal na dako niyaon, kung kayoy makakasumpong ng tao, kung may sinoman na gumagawa ng kaganapan, na humahanap ng katotohanan; at aking patatawarin siya.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Mga taga-Jerusalem, magmasid-masid kayo. Ang mga lansangan ay inyong libutin at ang buong paligid ay halughugin. Maghanap kayo sa mga pamilihan. May makikita ba kayong isang taong matuwid at tapat kay Yahweh? Kung mayroon kayong matatagpuan, patawad ni Yahweh sa Jerusalem igagawad.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Mga taga-Jerusalem, magmasid-masid kayo. Ang mga lansangan ay inyong libutin at ang buong paligid ay halughugin. Maghanap kayo sa mga pamilihan. May makikita ba kayong isang taong matuwid at tapat kay Yahweh? Kung mayroon kayong matatagpuan, patawad ni Yahweh sa Jerusalem igagawad.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Mga taga-Jerusalem, magmasid-masid kayo. Ang mga lansangan ay inyong libutin at ang buong paligid ay halughugin. Maghanap kayo sa mga pamilihan. May makikita ba kayong isang taong matuwid at tapat kay Yahweh? Kung mayroon kayong matatagpuan, patawad ni Yahweh sa Jerusalem igagawad.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Magsitakbo kayong paroo't parito sa mga lansangan ng Jerusalem, at tingnan ngayon, at alamin, at hanapin sa mga luwal na dako niyaon, kung kayo'y makakasumpong ng tao, kung may sinoman na gumagawa ng kaganapan, na humahanap ng katotohanan; at aking patatawarin siya.