Jeremiah 5:24 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Hindi nila sinasabi sa kanilang mga puso, 'Sa PANGINOON nating Diyos ay matakot tayo, na nagbibigay ng ulan sa kapanahunan nito, ng ulan sa taglagas at ulan sa tagsibol, at nag-iingat para sa atin ng mga sanlinggong itinakda para sa pag-aani!'
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Hindi sila nagsasalita ng mula sa puso na, ‘Parangalan natin ang Panginoon na ating Dios na nagbibigay ng ulan sa tamang panahon at nagbibigay sa atin ng ani sa panahon ng anihan.’
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Hindi man nila sinasabi sa sarili, Mangatakot tayo ngayon sa Panginoon nating Dios, na naglalagpak ng ulan, ng maaga at gayon din ng huli, sa kaniyang kapanahunan; na itinataan sa atin ang mga takdang sanglinggo ng mga pagaani.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Hindi man lamang ninyo inisip na parangalan si Yahweh na inyong Diyos, gayong siya ang nagbibigay ng ulan sa takdang panahon, at nagpapasapit sa panahon ng pag-aani taun-taon.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Hindi man lamang ninyo inisip na parangalan si Yahweh na inyong Diyos, gayong siya ang nagbibigay ng ulan sa takdang panahon, at nagpapasapit sa panahon ng pag-aani taun-taon.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Hindi man lamang ninyo inisip na parangalan si Yahweh na inyong Diyos, gayong siya ang nagbibigay ng ulan sa takdang panahon, at nagpapasapit sa panahon ng pag-aani taun-taon.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)