Jeremiah 6:12 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
At ang kanilang mga bahay ay ibibigay sa iba, ang kanilang mga bukid at ang kanilang mga asawa na magkakasama, sapagkat iuunat ko ang aking kamay laban sa mga naninirahan sa lupain," sabi ng PANGINOON.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Ibibigay sa iba ang mga bahay nila, pati ang mga bukid at mga asawa nila. Mangyayari ito kapag pinarusahan ko na ang mga nakatira sa lupaing ito. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At ang kanilang mga bahay ay malilipat sa mga iba, ang kanilang mga parang at ang kanilang mga asawa na magkakasama: sapagkat iuunat ko ang aking kamay sa mga mananahan sa lupain, sabi ng Panginoon.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Ibibigay sa iba ang kanilang mga bahay, gayon din ang kanilang bukirin at mga asawa. Paparusahan ko ang lahat ng naninirahan sa lupaing ito.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Ibibigay sa iba ang kanilang mga bahay, gayon din ang kanilang bukirin at mga asawa. Paparusahan ko ang lahat ng naninirahan sa lupaing ito.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Ibibigay sa iba ang kanilang mga bahay, gayon din ang kanilang bukirin at mga asawa. Paparusahan ko ang lahat ng naninirahan sa lupaing ito.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At ang kanilang mga bahay ay malilipat sa mga iba, ang kanilang mga parang at ang kanilang mga asawa na magkakasama: sapagka't iuunat ko ang aking kamay sa mga mananahan sa lupain, sabi ng Panginoon.