Jeremiah 7:21 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Ganito ang sabi ng PANGINOON ng mga hukbo, ng Diyos ng Israel, "Idagdag ninyo ang inyong mga handog na sinusunog sa inyong mga alay, at kainin ninyo ang laman.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
“Sige, kunin na lang ninyo ang inyong mga handog na sinusunog at iba pang mga handog, at kainin na lang ninyo ang karne. Ako, ang Panginoong Makapangyarihan, ang Dios ng Israel, ang nagsasabi nito.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Inyong idagdag ang inyong mga handog na susunugin sa inyong mga hain, at magsikain kayo ng laman.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
“Mabuti pa'y kainin na lamang ninyong lahat ang inyong mga handog na susunugin, kasama ng mga handog na pinagsasaluhan. Ako, si Yahweh na Makapangyarihan sa lahat, ang Diyos ng Israel, ang nagsasabi nito.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
“Mabuti pa'y kainin na lamang ninyong lahat ang inyong mga handog na susunugin, kasama ng mga handog na pinagsasaluhan. Ako, si Yahweh na Makapangyarihan sa lahat, ang Diyos ng Israel, ang nagsasabi nito.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
“Mabuti pa'y kainin na lamang ninyong lahat ang inyong mga handog na susunugin, kasama ng mga handog na pinagsasaluhan. Ako, si Yahweh na Makapangyarihan sa lahat, ang Diyos ng Israel, ang nagsasabi nito.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)