Jeremiah 8:6 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Aking pinakinggan at aking narinig, ngunit hindi sila nagsalita nang matuwid; walang nagsisisi sa kanyang kasamaan, na nagsasabi, 'Anong aking ginawa?' Bawat isa'y tumatahak sa kanyang sariling daanan, gaya ng kabayo na dumadaluhong sa labanan.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Pinakinggan kong mabuti ang mga sinabi nʼyo pero hindi tama ang mga ito. Walang sinuman sa inyo ang nagsisi sa inyong kasamaan. Wala man lang nagsabing, ‘Ano ba itong ginawa ko?’ Sa halip, ang bawat isa sa inyo ay naging mabilis sa paggawa ng kasalanan na parang kabayong papunta sa digmaan.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Aking pinakinggan at narinig ko, ngunit hindi sila nagsalita ng matuwid: walang nagsisisi ng kaniyang kasamaan, na nagsasabi, Anong aking ginawa? bawat isay lumilihis sa kaniyang lakad, gaya ng kabayo na dumadaluhong sa pagbabaka.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Naghintay ako at nakinig ngunit walang nagsalita ng katotohanan. Ni walang nagsisi sa kanyang kasalanan. Wala man lamang nagtanong, ‘Anong kasalanan ang nagawa ko?’ Bawat isa ay ginawa ang sariling maibigan, gaya ng kabayong patungo sa digmaan.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Naghintay ako at nakinig ngunit walang nagsalita ng katotohanan. Ni walang nagsisi sa kanyang kasalanan. Wala man lamang nagtanong, ‘Anong kasalanan ang nagawa ko?’ Bawat isa ay ginawa ang sariling maibigan, gaya ng kabayong patungo sa digmaan.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Naghintay ako at nakinig ngunit walang nagsalita ng katotohanan. Ni walang nagsisi sa kanyang kasalanan. Wala man lamang nagtanong, ‘Anong kasalanan ang nagawa ko?’ Bawat isa ay ginawa ang sariling maibigan, gaya ng kabayong patungo sa digmaan.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Aking pinakinggan at narinig ko, nguni't hindi sila nagsalita ng matuwid: walang nagsisisi ng kaniyang kasamaan, na nagsasabi, Anong aking ginawa? bawa't isa'y lumilihis sa kaniyang lakad, gaya ng kabayo na dumadaluhong sa pagbabaka.