Jeremiah 9:21 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Sapagkat ang kamatayan ay umakyat sa ating mga bintana, ito'y nakapasok sa ating mga palasyo, upang lipulin ang mga bata sa mga lansangan at ang mga binata sa mga liwasang-bayan.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Dumating ang kamatayan sa ating mga sambahayan at sa matitibay na bahagi ng ating lungsod. Pinatay ang mga bata na naglalaro sa mga lansangan at ang mga kabataang lalaki na nagkakatipon sa mga plasa.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Sapagkat ang kamatayan ay sumampa sa loob ng ating mga dungawan, itoy pumasok sa ating mga palacio; upang ihiwalay ang mga anak sa labas, at ang mga binata sa mga lansangan.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Nakapasok na ang kamatayan sa ating mga tahanan, at sa magagarang palasyo; pinuksa niya ang mga batang nasa lansangan, at ang mga kabataang nasa pamilihan.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Nakapasok na ang kamatayan sa ating mga tahanan, at sa magagarang palasyo; pinuksa niya ang mga batang nasa lansangan, at ang mga kabataang nasa pamilihan.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Nakapasok na ang kamatayan sa ating mga tahanan, at sa magagarang palasyo; pinuksa niya ang mga batang nasa lansangan, at ang mga kabataang nasa pamilihan.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Sapagka't ang kamatayan ay sumampa sa loob ng ating mga dungawan, ito'y pumasok sa ating mga palacio; upang ihiwalay ang mga anak sa labas, at ang mga binata sa mga lansangan.