Job 15:30 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Siya'y hindi tatakas sa kadiliman; tutuyuin ng apoy ang kanyang mga sanga, at ang kanyang bulaklak ay tatangayin ng hangin.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Hindi siya makakatakas sa kapahamakan. Magiging tulad siya ng puno na ang mga sangaʼy masusunog. Lahat ng ari-arian niya ay mawawala sa isang ihip lamang ng Dios.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Siyay hindi hihiwalay sa kadiliman; tutuyuin ng liyab ang kaniyang mga sanga, at sa pamamagitan ng hininga ng bibig ng Dios ay papanaw siya.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Sa gitna ng dilim siya'y makukubkob, siya'y matutulad sa punongkahoy na nasunog, na ang bulaklak ay tinatangay ng hangin.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Sa gitna ng dilim siya'y makukubkob, siya'y matutulad sa punongkahoy na nasunog, na ang bulaklak ay tinatangay ng hangin.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Sa gitna ng dilim siya'y makukubkob, siya'y matutulad sa punongkahoy na nasunog, na ang bulaklak ay tinatangay ng hangin.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Siya'y hindi hihiwalay sa kadiliman; tutuyuin ng liyab ang kaniyang mga sanga, at sa pamamagitan ng hininga ng bibig ng Dios ay papanaw siya.