Joel 2:32 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
At mangyayari na ang sinumang tumatawag sa pangalan ng PANGINOON ay maliligtas, sapagkat sa bundok ng Zion at sa Jerusalem ay pupunta ang mga nakatakas, gaya ng sinabi ng PANGINOON, at kabilang sa mga naligtas ay yaong mga tinatawag ng PANGINOON.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Ang sinumang hihingi ng tulong sa Panginoon ay maliligtas sa parusang darating. Sapagkat ayon sa sinabi ng Panginoon, may matitirang mga Israelita sa Bundok ng Zion, ang Jerusalem. Sila ang mga pinili ng Panginoon na maliligtas.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At mangyayari na ang sinomang tumawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas, sapagkat sa bundok ng Sion at sa Jerusalem doroon yaong nangakatanan, gaya ng sinabi ng Panginoon, at sa nangalabi ay yaong mga tinatawag ng Panginoon.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
At sa panahong iyon, ang lahat ng hihingi ng tulong kay Yahweh ay maliligtas. Gaya ng kanyang sinabi, may ilang makakatakas sa Bundok ng Zion at ang aking mga pinili'y makakaligtas sa Jerusalem.”
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
At sa panahong iyon, ang lahat ng hihingi ng tulong kay Yahweh ay maliligtas. Gaya ng kanyang sinabi, may ilang makakatakas sa Bundok ng Zion at ang aking mga pinili'y makakaligtas sa Jerusalem.”
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
At sa panahong iyon, ang lahat ng hihingi ng tulong kay Yahweh ay maliligtas. Gaya ng kanyang sinabi, may ilang makakatakas sa Bundok ng Zion at ang aking mga pinili'y makakaligtas sa Jerusalem.”
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At mangyayari na ang sinomang tumawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas, sapagka't sa bundok ng Sion at sa Jerusalem doroon yaong nangakatanan, gaya ng sinabi ng Panginoon, at sa nangalabi ay yaong mga tinatawag ng Panginoon.