John 10:41 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Marami ang pumunta sa kanya at kanilang sinabi, "Si Juan ay hindi gumawa ng tanda, ngunit lahat ng mga bagay na sinabi ni Juan tungkol sa taong ito ay totoo."
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
at maraming tao ang pumunta sa kanya. Sinabi nila, “Wala ngang ginawang himala si Juan, pero totoong lahat ang sinabi niya tungkol sa taong ito.”
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At marami ang mga nagsiparoon sa kaniya; at kanilang sinabi, Katotohanang si Juan ay hindi gumawa ng tanda: ngunit lahat ng mga bagay na sinalita ni Juan tungkol sa taong ito ay totoo.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
maraming lumalapit sa kanya. Sinasabi nila, “Si Juan ay walang ginawang himala ngunit totoo ang lahat ng sinabi niya tungkol sa taong ito.”
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
maraming lumalapit sa kanya. Sinasabi nila, “Si Juan ay walang ginawang himala ngunit totoo ang lahat ng sinabi niya tungkol sa taong ito.”
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
at maraming lumapit sa kanya. Sinabi nila, “Walang ginawang himala si Juan ngunit totoo ang lahat ng sinabi niya tungkol sa taong ito.”
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At marami ang mga nagsiparoon sa kaniya; at kanilang sinabi, Katotohanang si Juan ay hindi gumawa ng tanda: nguni't lahat ng mga bagay na sinalita ni Juan tungkol sa taong ito ay totoo.