John 11:32 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Pagdating ni Maria sa kinaroroonan ni Jesus, at nang makita siya ni Maria, lumuhod ito sa kanyang paanan, na sinasabi sa kanya, "Panginoon, kung ikaw sana'y narito, hindi sana namatay ang aking kapatid."
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Pagdating ni Maria sa kinaroroonan ni Jesus, lumuhod siya sa harap nito at sinabi, “Panginoon, kung narito lang kayo ay hindi sana namatay ang kapatid ko.”
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Si Maria nga, pagdating niya sa kinaroroonan ni Jesus, at pagkakita sa kaniya, ay nagpatirapa sa kaniyang paanan, na sinabi sa kaniya, Panginoon, kung ikaw sanay narito, disin ay hindi namatay ang aking kapatid.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Pagdating ni Maria sa kinaroroonan ni Jesus, nagpatirapa siya sa paanan nito at nagsabi, “Panginoon, kung narito po lamang kayo, hindi sana namatay ang aking kapatid.”
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Pagdating ni Maria sa kinaroroonan ni Jesus, nagpatirapa siya sa paanan nito at nagsabi, “Panginoon, kung narito po lamang kayo, hindi sana namatay ang aking kapatid.”
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Pagdating ni Maria sa kinaroroonan ni Jesus, nagpatirapa siya sa paanan nito at nagsabi, “Panginoon, kung narito po lamang kayo, hindi sana namatay ang aking kapatid.”
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Si Maria nga, pagdating niya sa kinaroroonan ni Jesus, at pagkakita sa kaniya, ay nagpatirapa sa kaniyang paanan, na sinabi sa kaniya, Panginoon, kung ikaw sana'y narito, disin ay hindi namatay ang aking kapatid.