John 12:42 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Gayunman, maging sa mga pinuno ay maraming sumampalataya sa kanya; subalit dahil sa takot sa mga Fariseo ay hindi nila ito ipinahayag, baka sila'y mapalayas sa sinagoga,
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Ganoon pa man, maraming pinuno ng mga Judio ang sumampalataya kay Jesus. Pero inilihim nila ang kanilang pananampalataya dahil takot silang hindi na tanggapin ng mga Pariseo sa mga sambahan.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Gayon man maging sa mga pinuno ay maraming nagsisampalataya sa kaniya; datapuwat dahil sa mga Fariseo ay hindi nila ipinahayag, baka silay mapalayas sa sinagoga:
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Gayunman, marami ring pinuno ng mga Judio ang nanalig sa kanya. Subalit hindi nila maipahayag ito dahil sa takot sa mga Pariseo, na baka sila'y itiwalag sa sinagoga.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Gayunman, marami ring pinuno ng mga Judio ang nanalig sa kanya. Subalit hindi nila maipahayag ito dahil sa takot sa mga Pariseo, na baka sila'y itiwalag sa sinagoga.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Gayunman, marami ring pinuno ng mga Judio ang naniwala sa kanya. Subalit hindi nila maipahayag ito dahil sa takot sa mga Pariseo, na baka sila'y itiwalag sa sinagoga.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Gayon man maging sa mga pinuno ay maraming nagsisampalataya sa kaniya; datapuwa't dahil sa mga Fariseo ay hindi nila ipinahayag, baka sila'y mapalayas sa sinagoga: