John 19:24 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Kaya't sinabi nila sa isa't isa, "Huwag natin itong punitin, kundi tayo'y magpalabunutan kung kanino mapupunta." Ito ay upang matupad ang kasulatan, na nagsasabi, "Pinaghatian nila ang aking mga kasuotan, at ang aking balabal ay kanilang pinagpalabunutan."
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Sinabi ng isang sundalo, “Huwag na natin itong paghatian. Magpalabunutan na lang tayo kung kanino ito mapupunta.” Nangyari ito upang matupad ang sinabi sa Kasulatan, “Pinaghati-hatian nila ang aking damit, at nagpalabunutan sila para sa aking damit-panloob.” At ito nga ang ginawa ng mga sundalo.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Nangagsangusapan nga sila, Huwag natin itong punitin, kundi ating pagsapalaranan, kung mapapakanino: upang matupad ang kasulatan, na nagsasabi, Binahagi nila sa kanila ang aking mga kasuutan, At ang aking balabal ay kanilang pinagsapalaran.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Kaya't nag-usap-usap ang mga kawal, “Huwag nating punitin ito; daanin na lamang natin sa palabunutan para malaman kung kanino ito mapupunta.” Sa gayon, natupad ang isinasaad ng Kasulatan, “Pinaghati-hatian nila ang aking kasuotan; at nagpalabunutan sila kung kanino mapupunta ang aking damit.” Ganoon nga ang ginawa ng mga kawal.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Kaya't nag-usap-usap ang mga kawal, “Huwag nating punitin ito; daanin na lamang natin sa palabunutan para malaman kung kanino ito mapupunta.” Sa gayon, natupad ang isinasaad ng Kasulatan, “Pinaghati-hatian nila ang aking kasuotan; at nagpalabunutan sila kung kanino mapupunta ang aking damit.” Ganoon nga ang ginawa ng mga kawal.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Kaya't nag-usap-usap ang mga kawal, “Huwag nating punitin ito; magpalabunutan tayo para malaman kung kanino ito mapupunta.” Sa gayon, natupad ang isinasaad ng Kasulatan, “Pinaghati-hatian nila ang aking kasuotan; at para sa aking damit sila'y nagpalabunutan.” Ganoon nga ang ginawa ng mga kawal.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)