John 20:30 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Gumawa si Jesus ng marami pang ibang mga tanda sa harapan ng kanyang mga alagad, na hindi naisulat sa aklat na ito.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Marami pang himalang ginawa si Jesus na nasaksihan ng mga tagasunod niya ang hindi naisulat sa aklat na ito.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Gumawa rin nga si Jesus ng ibat ibang maraming tanda sa harap ng kaniyang mga alagad, na hindi nangasusulat sa aklat na ito:
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Marami pang himala ang ginawa ni Jesus na nasaksihan ng mga alagad, ngunit hindi nakasulat sa aklat na ito.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Marami pang himala ang ginawa ni Jesus na nasaksihan ng mga alagad, ngunit hindi nakasulat sa aklat na ito.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Marami pang mga himalang ginawa si Jesus na nasaksihan ng mga alagad na hindi nakasulat sa aklat na ito.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Gumawa rin nga si Jesus ng iba't ibang maraming tanda sa harap ng kaniyang mga alagad, na hindi nangasusulat sa aklat na ito: