John 20:4 — Compare Translations
5 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Silang dalawa'y tumakbong magkasama, subalit ang isang alagad ay mas matuling tumakbo kaysa kay Pedro, at naunang dumating sa libingan.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Pareho silang tumakbo, pero mas mabilis ang isa kaysa kay Pedro, kaya nauna itong nakarating sa libingan.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At silay kapuwa tumakbong magkasama: at ang isang alagad ay tumakbong matulin kay sa kay Pedro, at dumating na una sa libingan;
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Kapwa sila tumakbo ngunit si Pedro'y naunahan noong isa.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At sila'y kapuwa tumakbong magkasama: at ang isang alagad ay tumakbong matulin kay sa kay Pedro, at dumating na una sa libingan;