John 21:15 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Pagkatapos nilang makapag-almusal, sinabi ni Jesus kay Simon Pedro, "Simon, anak ni Juan, minamahal mo ba ako nang higit kaysa mga ito?" Sinabi niya sa kanya, "Opo, Panginoon, nalalaman mo na minamahal kita." Sinabi ni Jesus sa kanya, "Pakainin mo ang aking mga kordero."
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Pagkatapos nilang mag-almusal, sinabi ni Jesus kay Simon Pedro, “Simon na anak ni Juan, mahal mo ba ako ng higit sa pagmamahal nila?” Sumagot si Pedro, “Opo, Panginoon, alam nʼyo po na mahal ko kayo.” Sinabi ni Jesus, “Alagaan mo ang aking mga tupa.”
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Kayat nang mangakapagpawing gutom sila, ay sinabi ni Jesus kay Simon Pedro, Simon, anak ni Juan, iniibig mo baga ako ng higit kay sa mga ito? Sinabi niya sa kaniya, Oo, Panginoon; nalalaman mo na kitay iniibig. Sinabi niya sa kaniya, Pakanin mo ang aking mga kordero.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Pagkakain nila, tinanong ni Jesus si Simon Pedro, “Simon, anak ni Juan, iniibig mo ba ako nang higit sa mga ito?” “Opo, Panginoon, alam ninyong mahal ko kayo,” tugon niya. Sinabi sa kanya ni Jesus, “Kung gayon pakainin mo ang aking mga tupa.”
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Pagkakain nila, tinanong ni Jesus si Simon Pedro, “Simon, anak ni Juan, iniibig mo ba ako nang higit sa mga ito?” “Opo, Panginoon, alam ninyong mahal ko kayo,” tugon niya. Sinabi sa kanya ni Jesus, “Kung gayon pakainin mo ang aking mga tupa.”
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Pagkakain nila, tinanong ni Jesus si Simon Pedro, “Simon, anak ni Juan, iniibig mo ba ako nang higit sa mga ito?” “Opo, Panginoon, alam ninyong mahal ko kayo,” tugon niya. Sinabi sa kanya ni Jesus, “Kung gayon pakainin mo ang aking mga batang tupa.”
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Kaya't nang mangakapagpawing gutom sila, ay sinabi ni Jesus kay Simon Pedro, Simon, anak ni Juan, iniibig mo baga ako ng higit kay sa mga ito? Sinabi niya sa kaniya, Oo, Panginoon; nalalaman mo na kita'y iniibig. Sinabi niya sa kaniya, Pakanin mo ang aking mga kordero.