John 6:26 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Sinagot sila ni Jesus, "Katotohanang sinasabi ko sa inyo, ako'y inyong hinahanap hindi dahil sa nakakita kayo ng mga tanda, kundi dahil sa kayo'y kumain ng tinapay, at kayo'y nabusog.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Sumagot si Jesus sa kanila, “Ang totoo, hinahanap nʼyo ako, hindi dahil sa mga nakita ninyong himala, kundi dahil nakakain kayo ng tinapay at nabusog.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Sinagot sila ni Jesus at sinabi, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Akoy inyong hinahanap, hindi dahil sa inyong nangakitang mga tanda, kundi dahil sa kayoy nagsikain ng tinapay, at kayoy nangabusog.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Sumagot si Jesus, “Pakatandaan ninyo: hinahanap ninyo ako, hindi dahil sa mga himalang nakita ninyo, kundi dahil nakakain kayo ng tinapay at nabusog.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Sumagot si Jesus, “Pakatandaan ninyo: hinahanap ninyo ako, hindi dahil sa mga himalang nakita ninyo, kundi dahil nakakain kayo ng tinapay at nabusog.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Sumagot si Jesus, “Totoo ang sinasabi kong ito: hinahanap ninyo ako, hindi dahil sa mga himalang nakita ninyo, kundi dahil nakakain kayo ng tinapay at nabusog.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Sinagot sila ni Jesus at sinabi, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ako'y inyong hinahanap, hindi dahil sa inyong nangakitang mga tanda, kundi dahil sa kayo'y nagsikain ng tinapay, at kayo'y nangabusog.