John 7:31 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Gayunma'y marami sa mga tao ang sumampalataya sa kanya at kanilang sinabi, "Pagdating ng Cristo, gagawa ba siya ng mas maraming tanda kaysa mga ginawa ng taong ito?"
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Sa kabila nito, marami pa rin sa mga tao ang sumampalataya sa kanya. Sinabi nila, “Siya na nga ang Cristo, dahil walang makakahigit sa mga himalang ginagawa niya.”
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Datapuwat sa karamihan ay marami ang nagsisampalataya sa kaniya; at kanilang sinasabi, Pagparito ng Cristo, ay gagawa pa baga siya ng lalong maraming tanda kay sa mga ginawa ng taong ito?
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Marami sa mga tao ang nanalig sa kanya. Ang sabi nila, “Pagparito ng Cristo, makakagawa kaya siya ng mga himalang higit pa sa mga ginawa ng taong ito?”
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Marami sa mga tao ang nanalig sa kanya. Ang sabi nila, “Pagparito ng Cristo, makakagawa kaya siya ng mga himalang higit pa sa mga ginawa ng taong ito?”
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Marami sa mga tao ang naniwala sa kanya. Ang sabi nila, “Pagparito ng Cristo, gagawa kaya siya ng mas marami pang himala higit kaysa sa mga ginawa ng taong ito?”
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Datapuwa't sa karamihan ay marami ang nagsisampalataya sa kaniya; at kanilang sinasabi, Pagparito ng Cristo, ay gagawa pa baga siya ng lalong maraming tanda kay sa mga ginawa ng taong ito?