John 8:13 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Sinabi sa kanya ng mga Fariseo, "Nagpapatotoo ka tungkol sa iyong sarili; ang patotoo mo ay hindi totoo."
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Nang marinig ito ng mga Pariseo, sinabi nila, “Ikaw lang naman ang nagpapatotoo tungkol sa sarili mo, kaya hindi ka paniniwalaan.”
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Sinabi nga sa kaniya ng mga Fariseo, Nagpapatotoo ka sa iyong sarili; hindi totoo ang patotoo mo.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Sinabi naman sa kanya ng mga Pariseo, “Ikaw lang ang nagpapatotoo tungkol sa iyong sarili; walang kabuluhan ang ganyang patotoo.”
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Sinabi naman sa kanya ng mga Pariseo, “Ikaw lang ang nagpapatotoo tungkol sa iyong sarili; walang kabuluhan ang ganyang patotoo.”
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Sinabi sa kanya ng mga Pariseo, “Ikaw lang ang nagpapatotoo tungkol sa iyong sarili; walang katotohanan ang ganyang patotoo.”
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Sinabi nga sa kaniya ng mga Fariseo, Nagpapatotoo ka sa iyong sarili; hindi totoo ang patotoo mo.