John 8:14 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Sumagot si Jesus, "Kung ako ma'y nagpapatotoo tungkol sa aking sarili, ang aking patotoo ay totoo; sapagkat nalalaman ko kung saan ako nanggaling, at kung saan ako pupunta. Subalit hindi ninyo nalalaman kung saan ako nanggaling, o kung saan ako pupunta.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Sumagot si Jesus, “Kahit na nagpapatotoo ako tungkol sa aking sarili, ang sinasabi ko ay totoo, dahil alam ko kung saan ako nanggaling at kung saan ako pupunta. Ngunit kayo, hindi ninyo alam kung saan ako nanggaling at kung saan ako pupunta.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Sumagot si Jesus at sa kanilay sinabi, Bagamat akoy nagpapatotoo sa akin din, ay totoo ang aking patotoo; sapagkat nalalaman ko kung saan ako nanggaling, at kung saan ako paroroon; datapuwat hindi ninyo nalalaman kung saan ako nanggaling, o kung saan ako paroroon.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Sumagot si Jesus, “Kahit ako ang nagpapatotoo tungkol sa aking sarili, totoo naman ang aking sinasabi, sapagkat alam ko kung saan ako nanggaling at kung saan ako pupunta. Ngunit hindi ninyo alam ang aking pinanggalingan at ang aking pupuntahan.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Sumagot si Jesus, “Kahit ako ang nagpapatotoo tungkol sa aking sarili, totoo naman ang aking sinasabi, sapagkat alam ko kung saan ako nanggaling at kung saan ako pupunta. Ngunit hindi ninyo alam ang aking pinanggalingan at ang aking pupuntahan.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Sumagot si Jesus, “Kung nagpapatotoo man ako tungkol sa aking sarili, totoo ang aking sinasabi, sapagkat alam ko kung saan ako nanggaling at kung saan ako pupunta. Ngunit hindi ninyo alam ang aking pinanggalingan at ang aking pupuntahan.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Sumagot si Jesus at sa kanila'y sinabi, Bagama't ako'y nagpapatotoo sa akin din, ay totoo ang aking patotoo; sapagka't nalalaman ko kung saan ako nanggaling, at kung saan ako paroroon; datapuwa't hindi ninyo nalalaman kung saan ako nanggaling, o kung saan ako paroroon.