John 9:16 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Kaya't sinabi ng ilan sa mga Fariseo, "Ang taong ito'y hindi mula sa Diyos, sapagkat hindi siya nangingilin ng Sabbath." Subalit sinabi ng iba, "Paanong makakagawa ng gayong mga tanda ang isang taong makasalanan?" At nagkaroon ng pagkakahati-hati sa kanila.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Sinabi ng ilang Pariseo, “Hindi mula sa Dios ang taong gumawa nito, dahil hindi niya sinusunod ang utos tungkol sa Araw ng Pamamahinga.” Pero sinabi naman ng iba, “Kung makasalanan siya, paano siya makakagawa ng ganitong himala?” Hindi magkasundo ang mga opinyon nila tungkol kay Jesus.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Ang ilan nga sa mga Fariseo ay nangagsabi, Ang taong itoy hindi galing sa Dios, sapagkat hindi nangingilin sa sabbath. Datapuwat sinasabi ng mga iba, Paano bagang makagagawa ng gayong mga tanda ang isang taong makasalanan? At nagkaroon ng pagkakabahabahagi sa gitna nila.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Ang sabi ng ilang Pariseo, “Hindi maaaring mula sa Diyos ang taong iyon, sapagkat hindi niya ipinapangilin ang Araw ng Pamamahinga.” Ngunit sinabi naman ng iba, “Paanong makakagawa ng ganitong mga himala ang isang makasalanan?” At hindi sila magkaisa.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Ang sabi ng ilang Pariseo, “Hindi maaaring mula sa Diyos ang taong iyon, sapagkat hindi niya ipinapangilin ang Araw ng Pamamahinga.” Ngunit sinabi naman ng iba, “Paanong makakagawa ng ganitong mga himala ang isang makasalanan?” At hindi sila magkaisa.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Ang sabi ng ilang Pariseo, “Hindi maaaring mula sa Diyos ang taong iyon, sapagkat hindi niya ipinapangilin ang Araw ng Pamamahinga.” Ngunit sinabi naman ng iba, “Paanong makakagawa ng ganitong mga himala ang isang makasalanan?” At hindi sila magkaisa.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Ang ilan nga sa mga Fariseo ay nangagsabi, Ang taong ito'y hindi galing sa Dios, sapagka't hindi nangingilin sa sabbath. Datapuwa't sinasabi ng mga iba, Paano bagang makagagawa ng gayong mga tanda ang isang taong makasalanan? At nagkaroon ng pagkakabahabahagi sa gitna nila.