John 9:24 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Dahil dito'y tinawag nilang muli ang taong dating bulag, at sinabi sa kanya, "Luwalhatiin mo ang Diyos. Nalalaman naming makasalanan ang taong ito."
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Kaya ipinatawag nila ulit ang dating bulag at sinabi sa kanya, “Sumumpa ka sa harap ng Dios na sasabihin mo ang totoo! Alam naming makasalanan ang taong iyon!”
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Dahil ditoy tinawag nilang bilang ikalawa ang taong naging bulag, at sinabi sa kaniya, Luwalhatiin mo ang Dios: nalalaman naming makasalanan ang taong ito.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Muli nilang ipinatawag ang dating bulag at sinabi sa kanya, “Sa pangalan ng Diyos, magsabi ka ng totoo. Alam naming ang taong iyon ay makasalanan.”
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Muli nilang ipinatawag ang dating bulag at sinabi sa kanya, “Sa pangalan ng Diyos, magsabi ka ng totoo. Alam naming ang taong iyon ay makasalanan.”
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Muli nilang ipinatawag ang dating bulag at sinabi sa kanya, “Sa ngalan ng Diyos, magsabi ka ng totoo. Alam naming ang taong iyon ay makasalanan.”
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Dahil dito'y tinawag nilang bilang ikalawa ang taong naging bulag, at sinabi sa kaniya, Luwalhatiin mo ang Dios: nalalaman naming makasalanan ang taong ito.