Jonah 1:5 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Nang magkagayo'y natakot ang mga magdaragat at tumawag ang bawat isa sa kanya-kanyang diyos; at kanilang inihagis sa dagat ang mga dala-dalahang nasa sasakyan upang makapagpagaan sa kanila. Samantala, si Jonas ay nasa ibaba sa pinakaloob na bahagi ng barko na doon ay nakahiga siya at nakatulog nang mahimbing.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Kaya natakot ang mga tripulante, at ang bawat isa sa kanila ay humingi ng tulong sa kani-kanilang dios. Itinapon nila ang kanilang mga kargamento sa dagat para gumaan ang barko. Si Jonas naman ay nakababa na noon sa ilalim na bahagi ng barko, humiga siya at nakatulog nang mahimbing.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Nang magkagayoy nangatakot ang mga taong dagat at dumaing ang bawat tao sa kanikaniyang dios; at kanilang inihagis sa dagat ang mga daladalahang nangasa sasakyan upang makapagpagaan sa kanila. Ngunit si Jonas ay bumaba sa pinakaloob na bahagi ng sasakyan; at siyay nahiga at nakatulog ng mahimbing.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Dahil dito, labis na natakot ang mga tripulante kaya't silang lahat ay humingi ng tulong sa kani-kanilang diyos. Pagkatapos, inihulog nila sa dagat ang mga kargamento para gumaan ang sasakyan. Samantala, si Jonas naman ay mahimbing na natutulog sa isang sulok sa ibabang palapag ng barko.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Dahil dito, labis na natakot ang mga tripulante kaya't silang lahat ay humingi ng tulong sa kani-kanilang diyos. Pagkatapos, inihulog nila sa dagat ang mga kargamento para gumaan ang sasakyan. Samantala, si Jonas naman ay mahimbing na natutulog sa isang sulok sa ibabang palapag ng barko.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Dahil dito, labis na natakot ang mga tripulante kaya't silang lahat ay humingi ng tulong sa kani-kanilang diyos. Pagkatapos, inihulog nila sa dagat ang mga kargamento para gumaan ang sasakyan. Samantala, si Jonas naman ay mahimbing na natutulog sa isang sulok sa ibabang palapag ng barko.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Nang magkagayo'y nangatakot ang mga taong dagat at dumaing ang bawa't tao sa kanikaniyang dios; at kanilang inihagis sa dagat ang mga daladalahang nangasa sasakyan upang makapagpagaan sa kanila. Nguni't si Jonas ay bumaba sa pinakaloob na bahagi ng sasakyan; at siya'y nahiga at nakatulog ng mahimbing.