Joshua 10:20 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Pagkatapos silang patayin ni Josue at ng mga anak ni Israel sa isang kakilakilabot na patayan hanggang sa nalipol at ang nalabi sa kanila ay pumasok sa mga may pader na lunsod,
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Halos naubos ni Josue at ng mga Israelita ang mga kalaban nila. Pero mayroon ding nakaligtas at nakapasok sa mga napapaderang lungsod nito.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At nangyari, nang makatapos si Josue at ang mga anak ni Israel ng pagpatay ng malaking pagpatay sa kanila, hanggang sa nangalipol at ang labi na natira sa kanila ay pumasok sa mga nakukutaang bayan,
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
At sila nga'y pinuksa ni Josue at ng kanyang mga kawal kahit may ilang nakatakbo at nakapasok sa mga napapaderang lunsod.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
At sila nga'y pinuksa ni Josue at ng kanyang mga kawal kahit may ilang nakatakbo at nakapasok sa mga napapaderang lunsod.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
At sila nga'y pinuksa ni Josue at ng kanyang mga kawal kahit may ilang nakatakbo at nakapasok sa mga napapaderang lunsod.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)