Joshua 11:10 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Bumalik si Josue nang panahong iyon at sinakop ang Hazor, at pinatay ng tabak ang hari nito, sapagkat nang una ang Hazor ay puno ng lahat ng mga kahariang iyon.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Pagkatapos, bumalik sina Josue at sinakop nila ang Hazor at pinatay ang hari nito. (Nang mga panahong iyon, ang Hazor ay ang pinakamakapangyarihan sa lahat ng kaharian.)
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At bumalik si Josue nang panahong yaon at sinakop ang Hasor, at sinugatan ng tabak ang hari niyaon: sapagkat ang Hasor ng una ay pangulo ng lahat ng mga kahariang yaon.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Pagkatapos, bumalik si Josue, sinakop ang Hazor at pinatay ang hari roon. Nang panahong iyon, ang Hazor ang kinikilalang pinakamakapangyarihang lunsod sa mga kahariang iyon.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Pagkatapos, bumalik si Josue, sinakop ang Hazor at pinatay ang hari roon. Nang panahong iyon, ang Hazor ang kinikilalang pinakamakapangyarihang lunsod sa mga kahariang iyon.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Pagkatapos, bumalik si Josue, sinakop ang Hazor at pinatay ang hari roon. Nang panahong iyon, ang Hazor ang kinikilalang pinakamakapangyarihang lunsod sa mga kahariang iyon.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At bumalik si Josue nang panahong yaon at sinakop ang Hasor, at sinugatan ng tabak ang hari niyaon: sapagka't ang Hasor ng una ay pangulo ng lahat ng mga kahariang yaon.