Joshua 11:14 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Ang lahat na nasamsam sa mga lunsod na ito at ang mga hayop ay kinuha ng mga anak ni Israel bilang samsam para sa kanilang sarili; ngunit ang bawat tao ay pinatay nila ng talim ng tabak hanggang sa kanilang nalipol sila, ni hindi sila nag-iwan ng anumang may hininga.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Kinuha ng mga Israelita para sa sarili ang lahat ng nasamsam na mga hayop at mga ari-arian ng mga lungsod na ito. Pero nilipol nila nang lubusan ang mga naninirahan dito, at walang naiwang buhay.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At ang lahat na samsam sa mga bayang ito at ang mga hayop ay kinuha ng mga anak ni Israel na pinakasamsam para sa kanilang sarili; ngunit ang bawat tao ay sinugatan nila ng talim ng tabak hanggang sa kanilang nalipol sila, ni hindi nagiwan sila ng anomang may hininga.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Sinamsam ng mga Israelita ang kanilang mahahalagang kagamitan at mga baka. Ngunit pinatay nila ang mga tao roon at walang itinirang buháy.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Sinamsam ng mga Israelita ang kanilang mahahalagang kagamitan at mga baka. Ngunit pinatay nila ang mga tao roon at walang itinirang buháy.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Sinamsam ng mga Israelita ang kanilang mahahalagang kagamitan at mga baka. Ngunit pinatay nila ang mga tao roon at walang itinirang buháy.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At ang lahat na samsam sa mga bayang ito at ang mga hayop ay kinuha ng mga anak ni Israel na pinakasamsam para sa kanilang sarili; nguni't ang bawa't tao ay sinugatan nila ng talim ng tabak hanggang sa kanilang nalipol sila, ni hindi nagiwan sila ng anomang may hininga.