Joshua 14:12 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Ngayon nga'y ibigay mo sa akin ang lupaing maburol na ito na sinabi ng PANGINOON nang araw na iyon; sapagkat nabalitaan mo nang araw na iyon kung paanong nariyan ang mga Anakim, na mga lunsod na malalaki at may pader; marahil ay sasamahan ako ng PANGINOON, at maitataboy ko sila na gaya ng sinabi ng PANGINOON."
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Kaya ibigay mo na sa akin ang kabundukan na ipinangako sa akin noon ng Panginoon. Ikaw mismo ang nakarinig noon, na nakatira roon ang mga lahi ni Anak at matitibay ang mga lungsod nila na may mga pader. Pero sa tulong ng Panginoon, maitataboy ko sila sa lupaing iyon ayon sa pangako niya sa akin.”
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Ngayon ngay ibigay mo sa akin ang lupaing maburol na ito na sinalita ng Panginoon nang araw na yaon: sapagkat iyong nabalitaan nang araw na yaon kung paanong nariyan ang mga Anaceo, at mga bayang malalaki at nakukutaan: marahil ay sasa akin ang Panginoon, at akin silang maitataboy na gaya ng sinalita ng Panginoon.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Kaya ibigay mo na sa akin ang kaburulang ipinangako sa akin ni Yahweh. Narinig mo rin na mga higante ang nakatira doon at matitibay ang pader ng naglalakihan nilang lunsod. Ngunit sa tulong ni Yahweh ay palalayasin ko sila sa lupaing iyon gaya ng ipinangako niya.”
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Kaya ibigay mo na sa akin ang kaburulang ipinangako sa akin ni Yahweh. Narinig mo rin na mga higante ang nakatira doon at matitibay ang pader ng naglalakihan nilang lunsod. Ngunit sa tulong ni Yahweh ay palalayasin ko sila sa lupaing iyon gaya ng ipinangako niya.”
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Kaya ibigay mo na sa akin ang kaburulang ipinangako sa akin ni Yahweh. Narinig mo rin na mga higante ang nakatira doon at matitibay ang pader ng naglalakihan nilang lunsod. Ngunit sa tulong ni Yahweh ay palalayasin ko sila sa lupaing iyon gaya ng ipinangako niya.”
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Ngayon nga'y ibigay mo sa akin ang lupaing maburol na ito na sinalita ng Panginoon nang araw na yaon: sapagka't iyong nabalitaan nang araw na yaon kung paanong nariyan ang mga Anaceo, at mga bayang malalaki at nakukutaan: marahil ay sasa akin ang Panginoon, at akin silang maitataboy na gaya ng sinalita ng Panginoon.