Joshua 15:8 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Ang hangganan ay paakyat sa libis ng anak ni Hinom hanggang sa Jebuseo sa timog (na siya ring Jerusalem): at ang hangganan ay paakyat sa taluktok ng bundok na naroroon sa harapan ng libis ng Hinom sa kanluran na nasa kaduludu-luhang bahagi ng libis ng Refaim sa hilaga.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Mula roon papunta sa Lambak ng Ben Hinom hanggang sa katimugang libis ng lungsod ng mga Jebuseo. (Ito ay ang Jerusalem.) Mula roon, paahon sa tuktok ng bundok sa kanluran ng Lambak ng Ben Hinom sa dulo ng hilagang bahagi ng Lambak ng Refaim.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At ang hangganan ay pasampa sa libis ng anak ni Hinnom hanggang sa dako ng Jebuseo na dakong timugan (na siya ring Jerusalem): at ang hangganan ay pasampa sa taluktok ng bundok na dumudoon sa harap ng libis ng Hinnom na dakong kalunuran, na sa kahulihulihang bahagi ng libis ng Rephaim na dakong hilagaan:
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Buhat dito'y paahong tinahak ang Libis ng Ben Hinom na nasa timog ng burol ng mga Jebuseo (na tinatawag ding Jerusalem). Umahon uli patungo sa taluktok ng bundok na nasa tapat ng kanluran ng Libis ng Ben Hinom at sa dulong hilaga ng Libis ng Refaim.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Buhat dito'y paahong tinahak ang Libis ng Ben Hinom na nasa timog ng burol ng mga Jebuseo (na tinatawag ding Jerusalem). Umahon uli patungo sa taluktok ng bundok na nasa tapat ng kanluran ng Libis ng Ben Hinom at sa dulong hilaga ng Libis ng Refaim.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Buhat dito'y paahong tinahak ang Libis ng Ben Hinom na nasa timog ng burol ng mga Jebuseo (na tinatawag ding Jerusalem). Umahon uli patungo sa taluktok ng bundok na nasa tapat ng kanluran ng Libis ng Ben Hinom at sa dulong hilaga ng Libis ng Refaim.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)