Joshua 19:47 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Nang ang nasasakupan ng mga anak ni Dan ay nawala sa kanila, ang mga anak ni Dan ay umahon at lumaban sa Lesem, at pagkatapos sakupin at patayin ng talim ng tabak, ay inangkin nila ito at nanirahan doon at tinawag ito ayon sa pangalan ni Dan na kanilang ama.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Nahirapan ang mga lahi ni Dan sa pag-agaw ng lupain nila, kaya nilusob nila ang Leshem at pinatay ang mga naninirahan dito. Naagaw nila ito at doon sila tumira. Pinalitan nila ang pangalan nito ng Dan ayon sa pangalan ng ninuno nilang si Dan.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At ang hangganan ng mga anak ni Dan ay palabas sa dako roon ng mga yaon; sapagkat ang mga anak ni Dan ay sumampa at bumaka laban sa Lesem, at sinakop at sinugatan ng talim ng tabak, at inari at tumahan doon, at tinawag ang Lesem, na Dan, ayon sa pangalan ni Dan, na kanilang ama.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
May mga lupain para sa lipi ni Dan na hindi pa nila nasasakop. Kaya't nang kulangin sila ng lupain, sinalakay nila ang Lesem, sinakop ito at nilipol ang mga tagaroon. Pagkatapos nilang makuha ang Lesem, pinalitan nila ang pangalan nito at tinawag na Dan, alang-alang kay Dan na kanilang ninuno.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
May mga lupain para sa lipi ni Dan na hindi pa nila nasasakop. Kaya't nang kulangin sila ng lupain, sinalakay nila ang Lesem, sinakop ito at nilipol ang mga tagaroon. Pagkatapos nilang makuha ang Lesem, pinalitan nila ang pangalan nito at tinawag na Dan, alang-alang kay Dan na kanilang ninuno.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
May mga lupain para sa lipi ni Dan na hindi pa nila nasasakop. Kaya't nang kulangin sila ng lupain, sinalakay nila ang Lesem, sinakop ito at nilipol ang mga tagaroon. Pagkatapos nilang makuha ang Lesem, pinalitan nila ang pangalan nito at tinawag na Dan, alang-alang kay Dan na kanilang ninuno.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At ang hangganan ng mga anak ni Dan ay palabas sa dako roon ng mga yaon; sapagka't ang mga anak ni Dan ay sumampa at bumaka laban sa Lesem, at sinakop at sinugatan ng talim ng tabak, at inari at tumahan doon, at tinawag ang Lesem, na Dan, ayon sa pangalan ni Dan, na kanilang ama.