Joshua 21:27 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
At sa mga anak ni Gershon, isa sa mga angkan ng mga Levita, ay ibinigay ang mula sa kalahating lipi ni Manases, ang Golan sa Basan pati ang mga pastulan nito, ang lunsod-kanlungan para sa nakamatay; at ang Beestera pati ang mga pastulan nito — dalawang lunsod;
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Ang mga angkan ni Gershon na mga Levita ay nakatanggap ng dalawang bayan mula sa lupain ng kalahating lahi ni Manase sa silangan. Ito ay ang Golan sa Bashan (na isa sa mga lungsod na tanggulan, kung saan makakapagtago ang taong nakapatay nang hindi sinasadya) at ang Be Eshtara, kasama ang mga pastulan nito.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At sa mga anak ni Gerson, sa mga angkan ng mga Levita, ay ibinigay sa kanila sa kalahating lipi ni Manases ang Gaulon sa Basan pati ng mga nayon niyaon, ang bayang ampunan na ukol sa nakamatay; at ang Be-estera pati ng mga nayon niyaon; dalawang bayan.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Ang mga sambahayan sa angkan ni Gershon na anak ni Levi ay tumanggap naman ng dalawang lunsod buhat sa kalahating lipi ni Manases sa silangan ng Jordan. Napunta sa kanila ang Golan na sakop ng Bashan at isang lunsod-kanlungan, pati ang Beestera, kasama ang mga pastulan nito.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Ang mga sambahayan sa angkan ni Gershon na anak ni Levi ay tumanggap naman ng dalawang lunsod buhat sa kalahating lipi ni Manases sa silangan ng Jordan. Napunta sa kanila ang Golan na sakop ng Bashan at isang lunsod-kanlungan, pati ang Beestera, kasama ang mga pastulan nito.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Ang mga sambahayan sa angkan ni Gershon na anak ni Levi ay tumanggap naman ng dalawang lunsod buhat sa kalahating lipi ni Manases sa silangan ng Jordan. Napunta sa kanila ang Golan na sakop ng Bashan at isang lunsod-kanlungan, pati ang Beestera, kasama ang mga pastulan nito.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)