Joshua 21:44 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
At binigyan sila ng PANGINOON ng kapahingahan sa bawat panig, gaya ng kanyang ipinangako sa kanilang mga ninuno, wala ni isa sa lahat ng kanilang mga kaaway ay nagtagumpay sa harap nila; ibinigay ng PANGINOON ang lahat nilang kaaway sa kanilang kamay.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Binigyan sila ng Panginoon ng kapahingahan sa mga kalaban nila sa paligid ayon sa ipinangako ng Panginoon sa mga ninuno nila. Hindi sila natalo ng mga kalaban nila dahil pinagtagumpay sila ng Panginoon sa lahat ng kalaban nila.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At binigyan sila ng kapahingahan ng Panginoon sa palibot, ayon sa lahat ng kaniyang isinumpa sa kanilang mga magulang: at walang tumayong isang lalake sa lahat ng kanilang mga kaaway sa harap nila; ibinigay ng Panginoon ang lahat nilang mga kaaway sa kanilang kamay.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Binigyan sila ni Yahweh ng kapayapaan sa buong lupain, ayon sa ipinangako niya sa kanilang mga ninuno. Hindi sila natalo kailanman ng kanilang mga kaaway, sapagkat pinagtatagumpay sila ni Yahweh laban sa lahat ng kaaway.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Binigyan sila ni Yahweh ng kapayapaan sa buong lupain, ayon sa ipinangako niya sa kanilang mga ninuno. Hindi sila natalo kailanman ng kanilang mga kaaway, sapagkat pinagtatagumpay sila ni Yahweh laban sa lahat ng kaaway.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Binigyan sila ni Yahweh ng kapayapaan sa buong lupain, ayon sa ipinangako niya sa kanilang mga ninuno. Hindi sila natalo kailanman ng kanilang mga kaaway, sapagkat pinagtatagumpay sila ni Yahweh laban sa lahat ng kaaway.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)