Joshua 22:14 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Kasama niya ay sampung pinuno, isang pinuno sa bawat sambahayan ng mga magulang sa bawat isa sa mga lipi ng Israel; at bawat isa sa kanila'y pinuno ng mga sambahayan ng kanilang mga magulang sa mga angkan ng Israel.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
May kasama siyang sampung pinuno mula sa bawat lahi ng Israel. Bawat isa sa kanilaʼy mga pinuno ng mga sambahayan ng lahi nila.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At kasama niya ay sangpung prinsipe, na isang prinsipe sa sangbahayan ng mga magulang sa bawat isa sa mga lipi ng Israel; at bawat isa sa kanilay pangulo sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang sa mga libolibo sa Israel.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
May kasama siyang sampung pinuno ng mga angkang buhat sa bawat lipi ni Israel. Bawat isa sa kanila ay pinuno ng mga angkan sa kani-kanilang mga lipi.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
May kasama siyang sampung pinuno ng mga angkang buhat sa bawat lipi ni Israel. Bawat isa sa kanila ay pinuno ng mga angkan sa kani-kanilang mga lipi.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
May kasama siyang sampung pinuno ng mga angkang buhat sa bawat lipi ni Israel. Bawat isa sa kanila ay pinuno ng mga angkan sa kani-kanilang mga lipi.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At kasama niya ay sangpung prinsipe, na isang prinsipe sa sangbahayan ng mga magulang sa bawa't isa sa mga lipi ng Israel; at bawa't isa sa kanila'y pangulo sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang sa mga libolibo sa Israel.