Joshua 6:8 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Nang makapagsalita na si Josue sa bayan, ang pitong pari na may dalang pitong tambuli na mga sungay ng tupa sa harapan ng PANGINOON ay lumakad na pasulong at hinipan ang mga tambuli; at ang kaban ng tipan ng PANGINOON ay sumunod sa kanila.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Ayon sa sinabi ni Josue, nauna ang pitong pari sa Kahon ng Kasunduan at pinatunog nila ang mga trumpeta nila.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At nangyari, na pagkapagsalita ni Josue sa bayan, ay nagpauna sa Panginoon ang pitong saserdote na may tangang pitong pakakak na mga sungay ng tupa, at humihip ng mga pakakak; at ang kaban ng tipan ng Panginoon ay sumusunod sa kanila.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Tulad ng sinabi ni Josue, lumakad nga sa unahan ng Kaban ng Tipan ang pitong paring may dalang trumpeta, at habang lumalakad ay hinihipan nila ang mga ito.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Tulad ng sinabi ni Josue, lumakad nga sa unahan ng Kaban ng Tipan ang pitong paring may dalang trumpeta, at habang lumalakad ay hinihipan nila ang mga ito.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Tulad ng sinabi ni Josue, lumakad nga sa unahan ng Kaban ng Tipan ang pitong paring may dalang trumpeta, at habang lumalakad ay hinihipan nila ang mga ito.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)