Joshua 7:23 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Kanilang kinuha ang mga iyon palabas ng tolda at dinala kay Josue, at sa lahat ng mga anak ni Israel; at kanilang inilapag ang mga iyon sa harapan ng PANGINOON.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Dinala nila ito kay Josue at sa lahat ng mga Israelita, at inilapag sa presensya ng Panginoon.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At kanilang kinuha sa gitna ng tolda, at dinala kay Josue, at sa lahat ng mga anak ni Israel; at kanilang inilapag sa harap ng Panginoon.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Iniharap nila kay Josue at sa buong Israel ang lahat ng iyon, at inilatag sa harapan ni Yahweh.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Iniharap nila kay Josue at sa buong Israel ang lahat ng iyon, at inilatag sa harapan ni Yahweh.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Iniharap nila kay Josue at sa buong Israel ang lahat ng iyon, at inilatag sa harapan ni Yahweh.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At kanilang kinuha sa gitna ng tolda, at dinala kay Josue, at sa lahat ng mga anak ni Israel; at kanilang inilapag sa harap ng Panginoon.