Joshua 7:24 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Kinuha ni Josue at ng buong Israel na kasama niya si Acan na anak ni Zera, at ang pilak, balabal, barang ginto, ang kanyang mga anak na lalaki at babae, ang kanyang mga baka, mga asno, mga tupa, ang kanyang tolda, at ang lahat niyang ari-arian, at kanilang dinala sila sa libis ng Acor.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
At dinala ni Josue at ng lahat ng mga Israelita si Acan sa Lambak ng Acor, pati ang pilak, damit, isang baretang ginto, ang mga anak niya, mga baka, mga asno, mga tupa, tolda at ang lahat ng ari-arian niya.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At kinuha ni Josue, at ng buong Israel na kasama niya, si Achan na anak ni Zera at ang pilak, at ang balabal, at ang dila na ginto, at ang kaniyang mga anak na lalake at babae, at ang kaniyang mga baka, at ang kaniyang mga asno, at ang kaniyang mga tupa, at ang kaniyang tolda, at ang lahat niyang tinatangkilik: at kanilang isinampa sa libis ng Achor.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Dinala ni Josue at ng buong bayan si Acan, gayundin ang pilak, ang damit, at ang barang ginto, sa Libis ng Kaguluhan. Isinama rin nila ang kanyang asawa, mga anak, mga baka, kabayo, at tupa, tolda at lahat niyang ari-arian.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Dinala ni Josue at ng buong bayan si Acan, gayundin ang pilak, ang damit, at ang barang ginto, sa Libis ng Kaguluhan. Isinama rin nila ang kanyang asawa, mga anak, mga baka, kabayo, at tupa, tolda at lahat niyang ari-arian.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Dinala ni Josue at ng buong bayan si Acan, gayundin ang pilak, ang damit, at ang barang ginto, sa Libis ng Kaguluhan. Isinama rin nila ang kanyang asawa, mga anak, mga baka, kabayo, at tupa, tolda at lahat niyang ari-arian.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)