Joshua 8:13 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Kaya't inilagay nila ang bayan, ang buong hukbo na nasa hilaga ng lunsod, at ang kanilang mga panambang sa kanluran ng lunsod. Ngunit pinalipas ni Josue ang gabing iyon sa libis.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Kaya pumwesto na ang mga sundalo. Ang ibang mga sundalo ay nasa bandang hilaga ng lungsod, at ang iba naman ay naroon sa bandang kanluran nito. Nang gabing iyon pumunta sina Josue sa lambak.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Gayon inilagay nila ang bayan, ang buong hukbo na nasa hilagaan ng bayan, at ang kanilang mga bakay na nasa kalunuran ng bayan; at si Josue ay naparoon ng gabing yaon sa gitna ng libis.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Ganito ang hanay ng mga kawal sa simula ng labanan: ang pinakamalaking bahagi ay sa harapan sa dakong hilaga ng lunsod at ang mga nakakubling mandirigma, sa gawing kanluran naman. Sa libis na iyon nagpalipas ng gabi si Josue.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Ganito ang hanay ng mga kawal sa simula ng labanan: ang pinakamalaking bahagi ay sa harapan sa dakong hilaga ng lunsod at ang mga nakakubling mandirigma, sa gawing kanluran naman. Sa libis na iyon nagpalipas ng gabi si Josue.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Ganito ang hanay ng mga kawal sa simula ng labanan: ang pinakamalaking bahagi ay sa harapan sa dakong hilaga ng lunsod at ang mga nakakubling mandirigma, sa gawing kanluran naman. Sa libis na iyon nagpalipas ng gabi si Josue.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)