Judges 15:11 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Nang magkagayo'y may tatlong libong lalaki sa Juda na lumusong sa guwang ng bato ng Etam, at sinabi kay Samson, "Hindi mo ba alam na ang mga Filisteo ay ating mga taga-pamahala? Ano itong ginawa mo sa amin?" At sinabi niya sa kanila, "Kung ano ang ginawa nila sa akin ay gayon ang ginawa ko sa kanila."
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Kaya ang 3,000 lalaki ng Juda ay pumunta sa kweba, sa may bangin ng Etam, at sinabi nila kay Samson, “Hindi mo ba naisip na sakop tayo ng mga Filisteo? Ngayon pati kami ay nadamay sa ginawa mo.” Sumagot si Samson, “Ginantihan ko lang sila sa ginawa nila sa akin.”
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Nang magkagayoy ang tatlong libong lalake sa Juda ay nagsilusong sa guwang ng bato ng Etam, at sinabi kay Samson, Hindi mo ba nalalaman na ang mga Filisteo ay nagpupuno sa atin? ano nga itong ginawa mo sa amin? At sinabi niya sa kanila, Kung paano ang ginawa nila sa akin ay gayon ang ginawa ko sa kanila.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Kaya't ang tatlong libong kalalakihan ng Juda ay nagpunta sa yungib sa Etam. Tinanong nila si Samson, “Hindi mo ba alam na tayo'y sakop ng mga Filisteo? Bakit mo ginawa ito sa kanila? Pati kami'y nadadamay!” “Ginantihan ko lang sila sa ginawa nila sa akin,” sagot niya.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Kaya't ang tatlong libong kalalakihan ng Juda ay nagpunta sa yungib sa Etam. Tinanong nila si Samson, “Hindi mo ba alam na tayo'y sakop ng mga Filisteo? Bakit mo ginawa ito sa kanila? Pati kami'y nadadamay!” “Ginantihan ko lang sila sa ginawa nila sa akin,” sagot niya.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Kaya't ang tatlong libong kalalakihan ng Juda ay nagpunta sa yungib sa Etam. Tinanong nila si Samson, “Hindi mo ba alam na tayo'y sakop ng mga Filisteo? Bakit mo ginawa ito sa kanila? Pati kami'y nadadamay!” “Ginantihan ko lang sila sa ginawa nila sa akin,” sagot niya.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Nang magkagayo'y ang tatlong libong lalake sa Juda ay nagsilusong sa guwang ng bato ng Etam, at sinabi kay Samson, Hindi mo ba nalalaman na ang mga Filisteo ay nagpupuno sa atin? ano nga itong ginawa mo sa amin? At sinabi niya sa kanila, Kung paano ang ginawa nila sa akin ay gayon ang ginawa ko sa kanila.