Judges 16:18 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Nang mabatid ni Delila na sinabi na sa kanya ni Samson ang buong lihim niyat nagsugo siya at tinawag ang mga pinuno ng mga Filisteo, na sinasabi, "Umahon pa kayong minsan, sapagkat sinabi na niya sa akin ang buong lihim niya." Nang magkagayo'y umahon ang mga pinuno ng mga Filisteo, at nagdala ng salapi.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Naramdaman ni Delaila na nagsasabi si Samson ng totoo. Kaya nagpautos siya na sabihin sa mga pinuno ng mga Filisteo na bumalik dahil nagtapat na sa kanya si Samson. Kaya bumalik ang mga pinuno, dala ang perang ibabayad kay Delaila.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At nang makita ni Dalila na sinaysay sa kaniya, ang buong taglayin niya sa kaniyang puso, ay nagsugo siya at tinawag ang mga pangulo ng mga Filisteo, na sinasabi, Ahunin pa ninyong minsan, sapagkat sinaysay niya sa akin ang buong taglayin niya sa kaniyang puso. Nang magkagayoy inahon siya ng mga pangulo ng mga Filisteo, at nagdala ng salapi sa kanilang kamay.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Nabatid ni Delilah na nagsasabi na ng totoo si Samson, kaya ipinatawag niya ang mga haring Filisteo. Ipinasabi niyang nagtapat na si Samson kaya maaari na silang magbalik sa Sorek. Nagbalik nga roon ang mga pinuno, dala ang perang ibabayad kay Delilah.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Nabatid ni Delilah na nagsasabi na ng totoo si Samson, kaya ipinatawag niya ang mga haring Filisteo. Ipinasabi niyang nagtapat na si Samson kaya maaari na silang magbalik sa Sorek. Nagbalik nga roon ang mga pinuno, dala ang perang ibabayad kay Delilah.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Nabatid ni Delilah na nagsasabi na ng totoo si Samson, kaya ipinatawag niya ang mga haring Filisteo. Ipinasabi niyang nagtapat na si Samson kaya maaari na silang magbalik sa Sorek. Nagbalik nga roon ang mga pinuno, dala ang perang ibabayad kay Delilah.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At nang makita ni Dalila na sinaysay sa kaniya, ang buong taglayin niya sa kaniyang puso, ay nagsugo siya at tinawag ang mga pangulo ng mga Filisteo, na sinasabi, Ahunin pa ninyong minsan, sapagka't sinaysay niya sa akin ang buong taglayin niya sa kaniyang puso. Nang magkagayo'y inahon siya ng mga pangulo ng mga Filisteo, at nagdala ng salapi sa kanilang kamay.