Judges 2:7 — Compare Translations

4 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Naglingkod ang bayan sa PANGINOON sa lahat ng mga araw ni Josue, at sa lahat ng mga araw ng matatandang huling namatay kay Josue na nakakita ng mga dakilang bagay na ginawa ng PANGINOON para sa Israel.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
At naglingkod sila sa Panginoon habang nabubuhay si Josue. At kahit namatay na siya, patuloy pa rin silang naglingkod sa Panginoon habang nabubuhay ang mga tagapamahala ng Israel na nakakita ng lahat ng kahanga-hangang ginawa ng Panginoon para sa Israel.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At naglingkod ang bayan sa Panginoon sa lahat ng mga araw ni Josue, at sa lahat ng mga araw ng mga matandang natirang nabuhay kay Josue, na nakakita ng mga dakilang gawa ng Panginoon, na kaniyang ginawa sa Israel.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)