Judges 21:19 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Kaya't kanilang sinabi, "Narito, may magaganap na taun-taong pagdiriwang sa PANGINOON sa Shilo, na nasa hilaga ng Bethel, sa dakong silangan ng lansangan na paahon sa Shekem mula sa Bethel, at sa timog ng Lebona."
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Pagkatapos, naalala nila na malapit na pala ang taunang pista para sa Panginoon na ginaganap sa Shilo. (Ang Shilo ay nasa hilaga ng Betel, sa timog ng Lebona, at sa silangan ng daang mula sa Betel papunta sa Shekem.)
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At kanilang sinabi, Narito, may isang kasayahan sa Panginoon sa taon-taon sa Silo, na nasa hilagaan ng Beth-el sa dakong silanganan ng lansangan na paahon sa Sichem mula sa Beth-el, at sa timugan ng Lebona.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Noon nila naalalang malapit na ang taunan nilang pista para kay Yahweh na ginaganap nila sa Shilo, sa hilaga ng Bethel, gawing timog ng Lebona, sa gawing silangan ng daan sa pagitan ng Bethel at Shekem.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Noon nila naalalang malapit na ang taunan nilang pista para kay Yahweh na ginaganap nila sa Shilo, sa hilaga ng Bethel, gawing timog ng Lebona, sa gawing silangan ng daan sa pagitan ng Bethel at Shekem.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Noon nila naalalang malapit na ang taunan nilang pista para kay Yahweh na ginaganap nila sa Shilo, sa hilaga ng Bethel, gawing timog ng Lebona, sa gawing silangan ng daan sa pagitan ng Bethel at Shekem.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)