Judges 9:15 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
At sinabi ng dawag sa mga punungkahoy, 'Kung tunay na ako'y inyong itinatalagang hari sa inyo, pumarito nga kayo at manganlong kayo sa aking lilim. Kung hindi, hayaan ninyong lumabas ang apoy sa dawag at lamunin ang mga sedro ng Lebanon.'
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Sumagot ang halamang may tinik, ‘Kung gusto nʼyong ako ang maghari sa inyo, lumilim kayo sa akin. Pero kung ayaw nʼyo, magpapalabas ako ng apoy na makakatupok sa mga kahoy na sedro ng Lebanon.’ ”
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At sinabi ng dawag sa mga puno ng kahoy, Kung tunay na akoy inyong inihahalal na hari ninyo, pumarito nga kayo at manganlong kayo sa aking lilim: at kung hindi ay labasan ng apoy ang dawag at pugnawin ang mga sedro ng Libano.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Ang sagot ng halamang matinik, ‘Kung talagang gusto ninyo akong maging hari, sumilong kayo sa akin. Kung ayaw ninyong sumilong, magpapalabas ako ng apoy sa aking mga tinik upang sunugin ang mga sedar ng Lebanon.’
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Ang sagot ng halamang matinik, ‘Kung talagang gusto ninyo akong maging hari, sumilong kayo sa akin. Kung ayaw ninyong sumilong, magpapalabas ako ng apoy sa aking mga tinik upang sunugin ang mga sedar ng Lebanon.’
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Ang sagot ng halamang matinik, ‘Kung talagang gusto ninyo akong maging hari, sumilong kayo sa akin. Kung ayaw ninyong sumilong, magpapalabas ako ng apoy sa aking mga tinik upang sunugin ang mga sedar ng Lebanon.’
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At sinabi ng dawag sa mga puno ng kahoy, Kung tunay na ako'y inyong inihahalal na hari ninyo, pumarito nga kayo at manganlong kayo sa aking lilim: at kung hindi ay labasan ng apoy ang dawag at pugnawin ang mga sedro ng Libano.