Lamentations 1:7 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Naaalala ng Jerasalem sa mga araw ng kanyang paghihirap at kapaitan ang lahat ng kanyang mahahalagang bagay noong una. Nang ang kanyang bayan ay mahulog sa kamay ng kalaban, ay walang sumaklolo sa kanya, tiningnan siya na may kasiyahan ng kanyang mga kalaban, na tinutuya ang kanyang pagbagsak.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Ngayong ang Jerusalem ay nagdadalamhati at naguguluhan, naalala niya ang lahat ng dati niyang yaman. Nang mahulog siya sa kamay ng mga kaaway niya, walang sinumang tumulong sa kanya. At nang siyaʼy bumagsak, kinutyaʼt tinawanan pa siya ng mga kaaway niya.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Naaalaala ng Jerusalem sa kaarawan ng kaniyang pagdadalamhati at ng kaniyang mga karalitaan ang lahat niyang naging maligayang bagay ng mga kaarawan nang una: nang mahulog ang kaniyang bayan sa kamay ng kalaban, at walang sumaklolo sa kaniya, nakita siya ng mga kalaban, tinuya nila ang kaniyang mga pagkasira.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Ngayong ang mga taga-Jerusalem ay nasa panahon ng pagdadalamhati at paggala, nagugunita nila ang maliligayang araw na nagdaan. Nang mahulog sila sa kamay ng kaaway ay walang sinumang sa kanila'y umalalay; nang sila'y bumagsak, sila'y kinutya ng mga sumakop sa kanila.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Ngayong ang mga taga-Jerusalem ay nasa panahon ng pagdadalamhati at paggala, nagugunita nila ang maliligayang araw na nagdaan. Nang mahulog sila sa kamay ng kaaway ay walang sinumang sa kanila'y umalalay; nang sila'y bumagsak, sila'y kinutya ng mga sumakop sa kanila.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Ngayong ang mga taga-Jerusalem ay nasa panahon ng pagdadalamhati at paggala, nagugunita nila ang maliligayang araw na nagdaan. Nang mahulog sila sa kamay ng kaaway ay walang sinumang sa kanila'y umalalay; nang sila'y bumagsak, sila'y kinutya ng mga sumakop sa kanila.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)