Lamentations 2:19 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Bumangon ka, sumigaw ka sa gabi, sa pasimula ng mga pagbabantay! Ibuhos mo ang iyong puso na parang tubig sa harapan ng mukha ng Panginoon! Itaas mo ang iyong mga kamay sa kanya dahil sa buhay ng iyong mga anak na nanghihina sa gutom sa dulo ng bawat lansangan.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Bumangon kayo sa gabi at humingi ng tulong sa Panginoon. Ibuhos ninyo sa kanya ang laman ng inyong mga puso, na para kayong nagbubuhos ng tubig. Itaas ninyo ang inyong mga kamay sa pananalangin para sa inyong mga anak na nawawalan ng malay sa mga lansangan dahil sa gutom.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Bumangon ka, humiyaw ka sa gabi, sa pasimula ng mga pagpupuyat; ibuhos mo ang iyong puso na parang tubig sa harap ng mukha ng Panginoon: igawad mo ang iyong mga kamay sa kaniya dahil sa buhay ng iyong mga batang anak, na nanglulupaypay sa gutom sa dulo ng lahat na lansangan.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Bumangon ka't humiyaw nang paulit-ulit sa magdamag, sa bawat pagsisimula ng oras ng pagbabantay. Tulad ng tubig, ibuhos mo sa harapan ni Yahweh ang laman ng iyong puso! Itaas mo sa kanya ang iyong mga kamay alang-alang sa iyong mga anak; nanlulupaypay sila sa gutom, nakahandusay sa mga lansangan.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Bumangon ka't humiyaw nang paulit-ulit sa magdamag, sa bawat pagsisimula ng oras ng pagbabantay. Tulad ng tubig, ibuhos mo sa harapan ni Yahweh ang laman ng iyong puso! Itaas mo sa kanya ang iyong mga kamay alang-alang sa iyong mga anak; nanlulupaypay sila sa gutom, nakahandusay sa mga lansangan.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Bumangon ka't humiyaw nang paulit-ulit sa magdamag, sa bawat pagsisimula ng oras ng pagbabantay. Tulad ng tubig, ibuhos mo sa harapan ni Yahweh ang laman ng iyong puso! Itaas mo sa kanya ang iyong mga kamay alang-alang sa iyong mga anak; nanlulupaypay sila sa gutom, nakahandusay sa mga lansangan.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)