Leviticus 24:7 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Maglalagay ka sa bawat hanay ng dalisay na kamanyang, upang maging handog na tanda para sa tinapay bilang handog na pinaraan sa apoy para sa PANGINOON.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Lagyan ninyo ng purong insenso ang gilid ng bawat hanay. Ang insenso ang siyang magsisilbing handog para alalahanin ang Panginoon. Susunugin ito bilang handog sa pamamagitan ng apoy sa halip na ang tinapay.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At maglalagay ka sa bawat hanay ng dalisay na kamangyan, upang itoy maging paalaala na tinapay, na handog nga sa Panginoon na pinaraan sa apoy.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Bawat hanay ay lalagyan ng dalisay na insenso at pagkatapos ay susunugin bilang handog kay Yahweh.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Bawat hanay ay lalagyan ng dalisay na insenso at pagkatapos ay susunugin bilang handog kay Yahweh.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Bawat hanay ay lalagyan ng dalisay na insenso at pagkatapos ay susunugin bilang handog kay Yahweh.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At maglalagay ka sa bawa't hanay ng dalisay na kamangyan, upang ito'y maging paalaala na tinapay, na handog nga sa Panginoon na pinaraan sa apoy.