Leviticus 4:7 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Maglalagay ang pari ng kaunting dugo sa mga sungay ng dambana ng mabangong insenso sa harapan ng PANGINOON, na nasa toldang tipanan at ang nalabi sa dugo ng toro ay ibubuhos sa paanan ng dambana ng handog na sinusunog na nasa pintuan ng toldang tipanan ng kapulungan.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Pagkatapos, papahiran niya ng dugo ang parang sungay sa mga sulok ng altar na pagsusunugan ng insenso sa loob ng Tolda sa presensya ng Panginoon. At ang natitirang dugo ng toro ay ibubuhos niya sa ilalim ng altar na pagsusunugan ng handog na sinusunog. Ang altar na itoʼy malapit sa pintuan ng Tolda.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At ang saserdote ay maglalagay ng dugong yaon sa ibabaw ng mga anyong sungay ng dambana ng mabangong kamangyan sa harap ng Panginoon, na nasa tabernakulo ng kapisanan: at lahat ng dugo ng toro ay ibubuhos sa paanan ng dambanang pagsusunugan ng handog na nasa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Lalagyan din niya ng dugo ang mga sungay ng altar ng insensong nasa harapan ni Yahweh sa Dakong Banal. Ang natirang dugo ay ibubuhos niya sa paanan ng altar na sunugan ng mga handog sa harap ng Toldang Tipanan.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Lalagyan din niya ng dugo ang mga sungay ng altar ng insensong nasa harapan ni Yahweh sa Dakong Banal. Ang natirang dugo ay ibubuhos niya sa paanan ng altar na sunugan ng mga handog sa harap ng Toldang Tipanan.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Lalagyan din niya ng dugo ang mga sungay ng altar ng insensong nasa harapan ni Yahweh sa Dakong Banal. Ang natirang dugo ay ibubuhos niya sa paanan ng altar na sunugan ng mga handog sa harap ng Toldang Tipanan.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)