Leviticus 7:37 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Ito ang batas tungkol sa handog na sinusunog, sa butil na handog, sa handog pangkasalanan, sa handog para sa budhing maysala, sa pagtatalaga, at sa mga handog pangkapayapaan,
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Iyon ang tuntunin tungkol sa handog na sinusunog, handog sa paglilinis, handog na pambayad ng kasalanan, handog sa pagtatalaga at handog para sa mabuting relasyon.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Ito ang kautusan tungkol sa handog na susunugin, sa handog na harina, at sa handog dahil sa kasalanan, at sa handog dahil sa pagkakasala, at sa pagtatalaga, at sa haing mga handog tungkol sa kapayapaan.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Ito ang mga tuntunin tungkol sa mga handog na susunugin, handog na pagkaing butil, handog para sa kapatawaran ng kasalanan, handog na pambayad sa kasalanan, handog sa pagtatalaga at handog pangkapayapaan.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Ito ang mga tuntunin tungkol sa mga handog na susunugin, handog na pagkaing butil, handog para sa kapatawaran ng kasalanan, handog na pambayad sa kasalanan, handog sa pagtatalaga at handog pangkapayapaan.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Ito ang mga tuntunin tungkol sa mga handog na susunugin, handog na pagkaing butil, handog para sa kapatawaran ng kasalanan, handog na pambayad sa kasalanan, handog sa pagtatalaga at handog pangkapayapaan.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)