Leviticus 8:29 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Kinuha ni Moises ang dibdib at iwinagayway ito bilang handog na iwinawagayway sa harapan ng PANGINOON. Ito ang bahagi ni Moises sa tupa ng pagtatalaga, gaya ng iniutos ng PANGINOON kay Moises.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Kinuha rin ni Moises ang pitso ng tupa at itinaas sa Panginoon bilang handog na itinataas. Ito ang bahagi niya sa tupang handog ng pagtatalaga. Ang lahat ng itoʼy ginawa ni Moises ayon sa iniutos sa kanya ng Panginoon.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At kinuha ni Moises ang dibdib at inalog na pinakahandog na inalog sa harap ng Panginoon: ito ang bahagi ni Moises sa tupang itinalaga; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Kinuha ni Moises ang parteng dibdib ng tupa at inialay bilang natatanging handog kay Yahweh; ito ang kanyang bahagi sa tupang handog na pantalaga gaya ng iniutos sa kanya ni Yahweh.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Kinuha ni Moises ang parteng dibdib ng tupa at inialay bilang natatanging handog kay Yahweh; ito ang kanyang bahagi sa tupang handog na pantalaga gaya ng iniutos sa kanya ni Yahweh.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Kinuha ni Moises ang parteng dibdib ng tupa at inialay bilang natatanging handog kay Yahweh; ito ang kanyang bahagi sa tupang handog na pantalaga gaya ng iniutos sa kanya ni Yahweh.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)