Leviticus 9:22 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Itinaas ni Aaron ang kanyang mga kamay paharap sa taong-bayan at binasbasan sila. Bumaba siya pagkatapos ng paghahandog ng handog pangkasalanan, ng handog na sinusunog, at ng mga handog pangkapayapaan.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Pagkatapos maihandog ni Aaron ang lahat ng ito, itinaas niya ang kanyang mga kamay sa mga tao at binasbasan niya, at pagkatapos, bumaba siya mula sa altar.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At itinaas ni Aaron ang kaniyang mga kamay sa dakong bayan at binasbasan niya; at bumaba siya na mula sa paghahandog ng handog dahil sa kasalanan, at ng handog na susunugin, at ng mga handog tungkol sa kapayapaan.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Itinaas ni Aaron ang kanyang mga kamay at binasbasan ang mga tao. Pagkatapos, bumabâ siya mula sa altar na pinaghandugan niya.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Itinaas ni Aaron ang kanyang mga kamay at binasbasan ang mga tao. Pagkatapos, bumabâ siya mula sa altar na pinaghandugan niya.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Itinaas ni Aaron ang kanyang mga kamay at binasbasan ang mga tao. Pagkatapos, bumabâ siya mula sa altar na pinaghandugan niya.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)