Luke 10:1 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Pagkatapos ng mga bagay na ito, ang Panginoon ay humirang ng pitumpu, at sila'y sinugong dala-dalawa, na una sa kanya sa bawat bayan at dako na kanyang pupuntahan.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Pagkatapos nito, pumili pa ang Panginoon ng 72 tagasunod, at sinugo ang mga ito nang dala-dalawa sa mga bayan at sa iba pang mga lugar na pupuntahan niya.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Pagkatapos nga ng mga bagay na ito, ang Panginoon ay naghalal ng pitongpu pa, at silay sinugong daladalawa, sa unahan ng kaniyang mukha, sa bawat bayan at dako na kaniyang paroroonan.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Pagkatapos nito, pumili ang Panginoon ng pitumpu't dalawa. Sila ay isinugo niya nang dala-dalawa sa bawat bayan at pook na pupuntahan niya.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Pagkatapos nito, pumili ang Panginoon ng pitumpu't dalawa. Sila ay isinugo niya nang dala-dalawa sa bawat bayan at pook na pupuntahan niya.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Pagkatapos nito, pumili pa ang Panginoon ng pitumpu't dalawa. Sila ay isinugo niya nang dala-dalawa sa bawat bayan at pook na pupuntahan niya.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Pagkatapos nga ng mga bagay na ito, ang Panginoon ay naghalal ng pitongpu pa, at sila'y sinugong daladalawa, sa unahan ng kaniyang mukha, sa bawa't bayan at dako na kaniyang paroroonan.