Luke 11:51 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
mula sa dugo ni Abel hanggang sa dugo ni Zacarias, na pinatay sa pagitan ng dambana at ng santuwaryo. Oo, sinasabi ko sa inyo, na ito'y hihingin sa lahing ito.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
mula kay Abel hanggang kay Zacarias na pinatay sa pagitan ng altar at ng templo. Oo, tinitiyak ko sa inyo na parurusahan ang henerasyong ito dahil sa ginawa nila.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Mula sa dugo ni Abel, hanggang sa dugo ni Zacarias, na pinatay sa pagitan ng dambana at ng santuario: oo, sinasabi ko sa inyo, na itoy hihingin sa lahing ito.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
magmula kay Abel hanggang kay Zacarias na pinatay sa pagitan ng dambana at ng Templo. Oo, sinasabi ko sa inyo, kayong mga nabubuhay sa panahong ito, mananagot kayo sa kanilang pagkamatay.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
magmula kay Abel hanggang kay Zacarias na pinatay sa pagitan ng dambana at ng Templo. Oo, sinasabi ko sa inyo, kayong mga nabubuhay sa panahong ito, mananagot kayo sa kanilang pagkamatay.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
magmula kay Abel hanggang kay Zacarias na pinatay sa pagitan ng dambana at ng Dakong Banal. Oo, sinasabi ko sa inyo, mananagot ang salinlahing ito.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Mula sa dugo ni Abel, hanggang sa dugo ni Zacarias, na pinatay sa pagitan ng dambana at ng santuario: oo, sinasabi ko sa inyo, na ito'y hihingin sa lahing ito.