Luke 13:14 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Subalit ang pinuno ng sinagoga, nagalit sapagkat si Jesus ay nagpagaling sa Sabbath, ay nagsabi sa maraming tao, "May anim na araw na dapat gumawa, pumarito kayo sa mga araw na iyon at kayo'y pagagalingin at hindi sa araw ng Sabbath."
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Pero nagalit ang namumuno sa sambahan ng mga Judio dahil nagpagaling si Jesus sa Araw ng Pamamahinga. Sinabi niya sa mga tao, “May anim na araw kayo para magtrabaho. Sa mga araw na iyon kayo pumarito upang magpagaling, at huwag sa Araw ng Pamamahinga.”
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At ang pinuno sa sinagoga, dala ng kagalitan, sapagkat si Jesus ay nagpagaling nang sabbath, ay sumagot at sinabi sa karamihan, May anim na araw na ang mga taoy dapat na magsigawa: kaya sa mga araw na iyan ay magsiparito kayo, at kayoy pagagalingin, at huwag sa araw ng sabbath.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Ngunit nagalit ang tagapamahala ng sinagoga sapagkat nagpagaling si Jesus sa Araw ng Pamamahinga. Kaya't sinabi nito sa mga tao, “May anim na araw na inilaan upang kayo'y magtrabaho. Sa mga araw na iyon kayo pumarito upang magpagaling ng mga sakit at huwag sa Araw ng Pamamahinga.”
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Ngunit nagalit ang tagapamahala ng sinagoga sapagkat nagpagaling si Jesus sa Araw ng Pamamahinga. Kaya't sinabi nito sa mga tao, “May anim na araw na inilaan upang kayo'y magtrabaho. Sa mga araw na iyon kayo pumarito upang magpagaling ng mga sakit at huwag sa Araw ng Pamamahinga.”
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Ngunit nagalit ang tagapamahala ng sinagoga sapagkat nagpagaling si Jesus sa Araw ng Pamamahinga. Kaya't sinabi ng tagapamahala sa mga tao, “May anim na araw na inilaan upang kayo'y magtrabaho. Sa mga araw na iyon kayo pumarito upang pagalingin at huwag sa Araw ng Pamamahinga.”
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At ang pinuno sa sinagoga, dala ng kagalitan, sapagka't si Jesus ay nagpagaling nang sabbath, ay sumagot at sinabi sa karamihan, May anim na araw na ang mga tao'y dapat na magsigawa: kaya sa mga araw na iyan ay magsiparito kayo, at kayo'y pagagalingin, at huwag sa araw ng sabbath.